3 NPA BULAGTA SA SAGUPAAN

LAGUNA – Tatlong miyembro umano ng NPA ang namatay matapos manlaban sa mga tauhan ng PNP Special Action Force (SAF) at Regional Mobile Force Battalion (RMFB 4A) ng Calabarzon Police na maghahain ng warrant of arrest sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw.

Pawang dead on arrival sa ospital ang mga suspek na sina Rommel Riza alyas “Ka Jomar/Bernie” at ang dalawang kasama nito na kinilala lamang sa mga pangalang “Ka Blu” at “Ka Dens”.

Ayon sa pulisya, si Riza ay commanding officer ng Regional Special Operations Group (RSOG) Sub-Regional Military Area (SRMA) ng CPP-NPA sa Calabarzon at may warrant of arrest sa mga kasong murder at kidnapping with murder.

Batay sa report ng Sta. Rosa City Police, isinagawa ng mga awtoridad ang paghahain ng arrest warrant sa hide-out ng mga suspek sa Buena Rosa 9, Brgy. Macabling bandang alas-1:45 ng madaling araw.

Ngunit nauwi sa engkwentro ang operasyon nang manlaban ang mga suspek.

Nakuha sa sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang .45 kalibreng baril at isang M16 armalite rifle. (NILOU DEL CARMEN)

240

Related posts

Leave a Comment