CAVITE – Patay ang isang 12- anyos na binatilyo makaraang 18 beses saksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan at itinapon sa ilog ang bangkay sa Bacoor City.
Kinilala ang biktimang si Prince Luis Albaniel, residente ng Ligas 2, Bacoor City.
Ayon sa salaysay ng kasama ng biktima na tumangging magpakilala, ang mga suspek ay sina Steve Tyson at Alexander Rivera.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, inatake ng mga suspek si Albaniel gamit ang kutsilyo. Nag-ugat ang galit ng mga ito dahil sa away sa basketball.
Habang tinamaan naman ng saksak sa leeg ang kasama ni Albaniel ngunit mabilis na nakatakas at naisugod sa ospital.
Pinaghahanap ng mga awtoridad ang itinuturong mga suspek sa nasabing insidente. (CYRILL QUILO)
406 