4 PATAY SA AIR FORCE CHOPPER CRASH

APAT na ang nasawi sa mga sakay ng bumagsak na Huey helicopter ng Philippine Air Force (PAF) kagabi sa lalawigan ng Isabela.

Base sa inisyal na ulat ng Cauayan City Police Station, alas-7:10 kagabi nang sumabog ang chopper matapos bumagsak habang pa-takeoff mula sa Air Station ng Tactical Operations Group (TOG 2), Philippine Air Force na nakabase sa San Fermin, Cauayan City.

Nabatid na magsasagawa sana ng night vision proficiency training ang nasabing helicopter.

Agad namang narekober ng mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Cauayan City Crime Laboratory ang bangkay ng apat na biktima na kinabibilangan ng dalawang piloto at isang crew na pawang hindi pa pinangalanan.

Isa pang crew ang naisugod sa pagamutan na nagtamo umano ng malubhang mga sugat.

Inaasahang darating sa Cauayan City ang mga kinatawan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para imbestigahan ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter.

362

Related posts

Leave a Comment