6 SUSPEK TINUTUGIS SA PAMAMARIL

TINUTUGIS ng pulisya ang anim na kalalakihan na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo, na sangkot umano sa pamamaril sa isang lalaki sa Brgy. Queen’s Row East, Bacoor City, Cavite noong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat, nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang live-in partner sa Gawaran Heights at nadatnan ang kinakasama, anak ng huli at mga suspek na nag-iinuman bandang alas-9:00 ng gabi.

Kinausap umano ng biktima ang kanyang live-in partner na humantong sa mainitang pagtatalo.

Bandang alas-11:00 ng gabi ay nagpaalam na umalis ang mga suspek na magkakaangkas sa isang motorsiklong Mio i125 at isang motorsiklong Euro Click.

Habang ang biktima at dalawa nitong menor de edad na anak ay sumakay rin ng motorsiklong Yamaha Aerox na may plakang 998XCI at umalis din.

Ngunit hinabol ng mga suspek ang biktima at pagsapit sa Barangay Queen’s Row East, binaril ng ‘di nabatid na kalibre ng baril ng isa sa mga salarin ang biktima saka tumakas sa ‘di nabatid na direksyon.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV para sa dinaanan ng mga suspek at sa posibleng pag-aresto sa mga ito.

(SIGFRED ADSUARA)

54

Related posts

Leave a Comment