73-ANYOS NA STREET SWEEPER NATUMBOK NG 2 SASAKYAN

NALAGUTAN ng hininga ang isang 73-anyos na street sweeper makaraang mabundol ng dalawang sasakyan sa panulukan ng Honorio Lopez Boulevard at Rodriguez St. sa Balut, Tondo, Manila.

Binawian ng buhay sa Tondo General Hospital ang biktimang si Lydia Infante ng #235 Honorio Lopez Boulevard, Balut, Tondo.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang dalawang driver na kinilalang sina Dennis Dela Cruz at Anecito Pequit.

Base sa resulta ng imbestigasyon na isinumite ni Pat. Arcyll de Guzman kay P/Capt. Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Unit ng Manila District Traffic Enforcement Group, bandang alas-6:25 ng gabi nang mangyari ang insidente sa nabanggit na lugar.

Papatawid ang biktima nang mabundol ito ng Mitsubishi Montero na minamaneho ni Dela Cruz.

Makaraang bumagsak ang biktima ay nahagip naman ito ng taxi na minamaneho ni Pequit.

Mabilis namang naisugod sa pagamutan ang biktima ngunit makaraan ang ilang oras ay nalagutan ng hininga. (RENE CRISOSTOMO)

419

Related posts

Leave a Comment