Cellphone ipinuslit sa jail
MISAMIS Oriental – Isinasailalim sa imbestigasyon ng lokal na pamahalaan ng lalawigang ito, ang lumabas na video ng isang preso na pinagsayaw nang hubo’t hubad, na tila bahagi ng initiation rites, dahil mahigpit na ipinagbabawal ang telepono sa loob ng piitan.
Na-upload sa social media ang nasabing video.
Ipinagtataka ng lokal na pamahalaan kung bakit may cellphone sa loob ng kulungan.
Sa ngayon ay ibinartolina na ang mga preso ng Misamis Provincial Jail, dahil sa nasabing video.
Hindi naman nagbigay ng pahayag ang provincial jail ngunit iniimbestigahan kung paano nakapasok ang cellphone.
“Binawal na kasi ang pagmamaltrato sa mga ‘person deprived of liberty’ kaya nag-implement at nag-policy ang mga mayor sa loob ng selda na hindi sila magmaltrato kaya meron silang ginawang ibang initiation rite sa loob lang ng selda,” sinabi ni Carlo Dugaduga, Provincial Information Officer ng Misamis Oriental.
Lumalabas na labag din ang pagkuha ng video sa cellphone na nagpapakita ng pribadong bahagi ng katawan sa ilalim ng Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act.
“The act of taking ang number one offense, and then the duplication, ang third one is imo siya ginastore sa mga devices. The number 4 is the broadcasting or publishing in the internet,” sinabi ni PSSgt. Ritchil Tesoro, Information Officer ng PNP Anti-Cybercrime Unit 10.
Maaari rin umanong makulong ang lalabag dito ng pitong taon. (KIKO CUETO)
304 