(ROSE G. PULGAR)
TINUTUTUKAN ngayon ng Pasay City Police ang Philippine International Convention Center (PICC) na magsisilbing lugar para sa national canvassing ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Police Colonel Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, may mga naka-deploy nang mga pulis sa paligid ng PICC, partikular sa The Forum facility, upang matiyak ang seguridad hanggang sa mismong araw ng botohan at panahon ng canvassing ng mga balota.
Bukod sa PICC, sinabi ni Yang na magiging bantay-sarado rin ng Pasay Police ang Cuneta Astrodome na itinalagang canvassing area sa lungsod.
Sa 23 polling center naman sa buong lungsod ng Pasay, aabot sa 149 personnel ang ipakakalat sa araw ng eleksyon, habang aabot sa 300 ang in-charge sa anti-criminality.
Sinabi ni Yang na wala pa silang namo-monitor na untoward incident sa pagde-deliver ng mga voting counting machines o VCMs at election paraphernalia sa mga pagdarausan ng botohan.
Subalit hinihimok ni Yang ang publiko na dumulog sa itinayong Station Elections Monitoring Action Center (SEMAC), kung may sumbong na kaugnayan sa halalan.
314