OIL PRICE ROLLBACK ULIT

rollback12

( NI ROSE PULGAR)

MULING nagpatupad ng bawas presyo sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo, Martes, (Mayo14).

Inianunsyo ang pagpapatupad ng oil price rollback ng mga kompanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, Petron Corporation, PTT Philippines at Total na P1.25 kada litro ng gasolina at P0.30 kada litro sa kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel epektibo alas-6:00 ng umaga.

Nauna namang nagpatupad ng bawas presyo sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanyang Pheonix , Eastern Petroleum at Seaoil na kahalintulad sa mga nabatid na halaga na epektibo nitong Linggo.

Inaasahan namang susunod na magpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na bawas-presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.90 kada litro ng gasolina, P0.80 kada litro sa diesel at P0.80 kada litro sa kerosene.

 

189

Related posts

Leave a Comment