Barko ng UK nasa Pilipinas STATUS OF VISITING FORCES AGREEMENT ISINUSULONG

NAGING bisita ni Defense Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr. si Lord Vernon Coaker, Minister of State for Defense sa House of Lords ng United Kingdom (UK) noong Martes, halos kasabay sa pagdaong sa Maynila ng isang barkong pandigma ng United Kingdom.

Sa pagbisita ni Lord Coaker sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City, iprinisenta nito ang isang liham mula kay The Rt Hon. John Healey MP, ang UK Secretary of State for Defense, na nagsasaad ng kanilang layunin na magkaroon din ng Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) sa pagitan ng UK at Pilipinas.

May kagalakang pinasalamatan ni Sec. Teodoro ang panig ng UK sa kanilang interest, dahil ang nasabi umanong inisyatibo ay nagpapakita ng lumalawak na pagsasanib sa pagitan ng Europa at ng Indo-Pacific para sa pagpapanatili ng rules-based international order.

Nagkasundo ang dalawang opisyal na magsagawa ng respective internal processes at pasimulan na ang formal negotiations para sa panukalang SOVFA, na lilinang sa operational collaboration at interoperability sa pagitan ng Philippine at British Armed Forces.

Samantala, habang pakikipagtalakayan si Lord Coaker sa iba’t ibang defense and military officers sa bansa, nagsasagawa naman ng kanyang port visit sa Manila ang HMS RICHMOND, bilang bahagi ng Operation High Mast, ang UK Carrier Strike Group deployment sa Indo-Pacific.

Nakipagtalakayan din si Lord Coaker kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief of Staff Lt. General Jimmy D. Larida, hinggil sa defense engagements, opportunities for future collaboration, at mutual support sa pagtugon sa emerging security challenges.

Naging bisita rin ang UK Official ni Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, Philippine Navy Flag Officer In Command, sa Navy Headquarters Manila.

Naging tampok sa pag-uusap ng dalawa ang active cooperation at shared maritime engagements sa pagitan ng dalawang hukbong Dagat.

Tinalakay rin ng dalawang panig ang kahalagahan ng pananatili ng freedom of navigation at pagpapairal ng international law.

“We stand firmly with you with respect to freedom of navigation,” ani Honorable Coaker.

(JESSE RUIZ)

144

Related posts

Leave a Comment