SUPORTADO ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang nakatakdang 3-araw na tigil pasada ng transport groups bilang protesta laban sa talamak na korapsyon at mga ghost project ng gobyerno.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP, malinaw ang doble-standard: “Kapag simpleng driver, mabilis hulihin at parusahan. Pero pagnanakaw ng bilyon-bilyon, nagtatakipan ang mga makapangyarihan. Hanggang ngayon, fuel subsidy wala pa rin!”
Giit ni Inton, tiyak na mahihirapan ang mga commuter sa tigil pasada, pero mas matindi raw ang hirap na dulot ng baha mula sa mga ghost flood control projects.
Nauna nang inanunsyo ng Piston at Manibela na magsasagawa sila ng tigil pasada sa NCR: Setyembre 17 hanggang 19 para kondenahin ang korapsyon at pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ang Piston, magsasagawa ng protesta sa Setyembre 18; habang ang Manibela ay tatagal ng tatlong araw, mula Miyerkules hanggang Biyernes.
Dagdag pa ng LCSP, dapat tiyakin ng gobyerno ang alternatibong masasakyan ng publiko, pero huwag daw multahan o ipenalize ang mga makikilahok sa tigil pasada. Ani Inton: “Ang laban ng transport sector kontra katiwalian ay laban ng taumbayan.”
(PAOLO SANTOS)
219 