PAF TRAINER PLANE BUMAGSAK SA BENGUET; 2 PILOTO PATAY

KAPWA walang malay nang matagpuan ng mga rescuer ang dalawang piloto ng Philippine Air Force matapos bumagsak ang sinasakyan nilang PAF SF-260 trainer plane habang nagsasagawa ng navigation training flight sa Benguet.

Sa inisyal na ulat, bumagsak ang trainer aircraft bandang alas-10:30 ng umaga sa Sitio Cabuyao, Poblacion, Tuba.

Kinumpirma ng pulisya na ang dalawang indibidwal ay natagpuang unconscious matapos bumagsak ang sinasakyan nilang government aircraft na may logo ng Philippine Air Force, kulay gray/white/orange, at may plane number 10-39, ayon kay Lt. Col. Roy Calulot. Kalaunan ay idineklarang patay ang dalawa.

Bumagsak ang eroplano sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar at bandang alas-11:40 ng umaga lamang naireport sa mga awtoridad.

Isa sa mga sakay ay kinilalang si 1LT Ruth Angelique R. Pasos habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang uniformed male individual.

Nagpapatuloy ang operasyon ng Tuba Municipal Police Station, Tuba Bureau of Fire Protection, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at Baguio City Police Office Station 10 katuwang ang mga local resident sa lugar.

Bahagi umano ng formation of 10 SF-260 aircraft ang bumagsak na eroplano na lumipad mula sa Fernando Air Base sa Lipa City patungong Baguio City.

“The Philippine Air Force confirms that one SF-260 trainer aircraft crashed in Cabuyao, Tuba, Benguet at around 10:30 A.M. today during a navigation training flight. The aircraft, with two pilots on board, was one of ten planes that had departed Fernando Air Base in Lipa City en route to Baguio City. Both pilots passed away,” ayon kay Col. Christine Basco.

Agad namang pasisimulan ng mga awtoridad ang imbestigasyon hinggil sa insidente.

(JESSE RUIZ)

97

Related posts

Leave a Comment