(NI ABBY MENDOZA)
ISA nang bagyo ang Low Pressure Area(LPA) na nasa labas ng bansa at bukas inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility(PAR).
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) pagpasok ng bagyo sa PAR ay tatawagin itong bagyong Marilyn, taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 km/h at bugso na 70kph.
Bagama’t nasa labas ng PAR ay apektado na umano ng buntot ng bagyo ang Occidental Mindoro,Oriental Mindoro,
Romblon,Marinduque, Palawan, Bicol at Visayas na nakakaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan.
Hindi inaasahan ng Pagasa na maglalandfall ang bagyo na mananatili umano sa loob ng PAR hanggang sa araw ng Linggo kaya asahan ang maulan na weekend.
478