(PHOTO BY MJ ROMERO)
IDINERETSO ng San Sebastian College Golden Stags, sa pangunguna ni Allyan Bulanadi sa ikalimang sunod ang kanilang panalo, matapos resbakan ang College of Saint Benilde, 83-67 kahapon sa NCAA Season 95 seniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Nagtala si Bulanadi ng bagong career-high 32 points, may kasama pang four rebounds, two assists at two steals, para makisosyo sa second place (7-3) kasama ang Lyceum of the Philippines University at Colegio de San Juan de Letran.
Tinalo ng Blazers ang Stag, 77-72 sa kanilang unang pagtatapat noong Hulyo 30.
Ikalawang sunod na kabiguan naman ito ng Blazers para malaglag sa 6-4 win-loss card.
Ang Golden Stags ay kinontrol ang kabuuan ng laro, bagamat nagawa ng Blazers na makadikit sa halftime, 48-39.
Gayunpaman, binura ni Bulanadi ang paghahabol ng Blazers, nang mag-init ang all-around forward sa third period, kasabay ng magandang depensa ng San Sebastian, kung saan umiskor lang ang St. Benilde ng 11 points sa nasabing quarter, habang umalagwa na ang Golden Stags, 68-50.
“Last year na rin niya ito and this is his last chance,” ani Stags coach Egay Macaraya.
Hindi na nakahabol pa ang St. Benilde, habang patuloy ang pamamayagpag ng San Sebastian.
Tumulong kay Bulanadi na may 13 points si RK Ilagan, habang si Alvin Capobres ay nagdagdag ng 12.
Nagsumite naman si Yankie Haruna ng 16 points para sa Blazers. Si Justin Gutang ay nagawang mapigilan ng San Sebastian at nakagawa lang ng nine points.
Hindi pa rin nakalalaro sina injured Blazers players Jimboy Pasturan at Edward Dixon.
“They work hard and play defense and it was all team work. Yun ang nangyayari ngayon sa team,” said Macaraya.
Yankie Haruna led St. Benilde with 16 points and nine rebounds, while Robi Nayve had 10 points and two boards.
Ang iskor:
San Sebastian 83 – Bulanadi 32, Ilagan 13, Capobres 12, Desoyo 8, Calahat 7, Sumoda 6, Calma 3, Tero 2, Isidro 0, Altamirano 0, Cosari 0, Suico 0.
St. Benilde 67 – Haruna 16, Nayve 10, Gutang 9, Young 8, Naboa 7, Belgica 5, Leutcheu 3, Carlos 3, Sangco 2, Lepalam 2, Mosqueda 2, Flores 0, Lim 0.
Quarterscores: 28-20; 48-39; 68-50; 83-67.
