PIOLO, KC, POSIBLENG MAGKABALIKAN?

 (NI RK VILLACORTA)

MAY chance na muling magkabalikan sina Piolo Pascual at KC Concepcion ngayon na “solo” muli ang status ng dalaga after ng break-up nila ng kanyang French boyfriend.

Sa 11th year anniversary launch ng Sun Life’s SunPIOLOgy na ang aktor ang celebrity endorser ng sporting event ay may pakilig si Papa P.

“Posible. Ako rin single,” sagot niya sabay tawa.

Kamusta sila ni KC? Sagot ni Papa P: “We’re good. KC and I are good. I’ve not seen her for a while, and I hope she’s always okay.”

The fact na mayroong interest, one of these days ay baka maispatan nating muli ang dalawa na nagde-date.

 

***

Nag-audition si Jerome Ponce para mapasama sa barkada movie ni Direk Jason Paul Laxamana na Ang Henerasyong Sumuko Sa Love.

Lahat ng nasa cast ay dumaan sa audition, kabilang na sina Tony Labrusca, Myrtle Sarrosa, Jane Oineza at Albie Casiño.

Hindi ini-expect ni Jerome na siya pala ang nasa sa isip ni Direk Jason para sa openly gay character sa movie na si Denzel.

Sa full trailer, very daring si Jerome sa mga eksena niya. Bed scene with a guy, shower scene na kita ang butt, and more.

Interesting ang role ni Jerome sa pelikula, lalo pa’t iba’t ibang male hunk partners ang mga kaeksena niya. Very “now,” ‘ika nga ang karakter ni Jerome sa pelikula.

Noong una ay hesitant siyang tanggapin ang pelikula.

“Hindi kasi ako handa,” sabi niya.

Pero with Direk Jason Paul’s magic, nakumbinsi niya si Jerome. Ipinaliwanag sa kanya kung ano ang delicate scenes na gagawin niya.’

At alam n’yo bang mayroong nude photo kumakalat si Jerome na kitang-kita ang kanyang ari?

Yes, malaki as in huge ang tinatago ng binata sa pagitan ng kanyang mga binti na kumakalat ngayon sa social media.

”’Pag malaki akin yun,” deretsahang niyang sagot na alam mo namang nagbibiro lang siya.

Nang lumabas ang mga eksena ni Jerome sa trailer at napanood ng mga beki, nag-viral at nag-trending sa social media ang aktor, meaning malaki ang interest ng mga millennials sa pelikula ng Regal Films.

Ano naman ang reaksyon ng girlfriend niya na si Mica Reyes na isang volleyball player ng DLSU tungkol sa role niya?

“Sumasama siya sa shoot pero sa tent lang siya nag-stay. Tinanong lang niya ako kung ano ang gagawin ko sa karakter ko. Nagulat lang siya. No, hindi naman siya nagdududa. Alam naman niya ang trabaho ko. Pero, hindi ko naman sinasabi sa kanya the things that I do in my work. If she wants to watch it, nasa kanya na ‘yun. Hindi pa naman ako engaged kasi nga, mas’ gusto ko ngayong maging focused with my work,” kuwento ng aktor.

Showing na ang pelikula at very interesting para sa mga bekis ang mga eksena niya rito. Promise!

176

Related posts

Leave a Comment