(NI NOEL ABUEL)
TINIYAK ni Senador Christopher Bong Go na pag-aaralan nito ang posibilidad na mataasan ang tinatanggap na allowance ng mga atletang Pilipino.
Sinabi ito ng senador kasabay ng pagsasabing inuna lamang nitong ihain ang pagkakaroon ng Philippine High School for Sports.
Layon umano nito na magkaroon ng sariling high school para sa mga atletang may potensyal at gustong mag-aral kasabay ng kanilang training sa sports.
Ipinaliwanag ni Go na hindi na kailangang lumayo ang mga kabataan sa eskuwela habang nagsasanay sa kanilang sports at hindi na mapapabayaan ang pag-aaral.
Inihayag ni Go na ilalagay sa loob ng New Clark City ang Philippine High School for Sports kung saan inaasahang maisakatuparan ito sa 2021.
Tiwala itong matutupad ang nais nito dahil sa pumayag na aniya ang BCDA, DepEd at PSC.
171