LALAKI KRITIKAL SA TARAK

AGAW-BUHAY ang isang 38-anyos na lalaki matapos dalawang beses na patraydor na saksakin ng isang 17-anyos na estudyante kamakalawa ng gabi sa  Caloocan City.

Nakaratay sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng dalawang saksak sa likod ang biktimang si Johnry Mationg, ng 33-C Balagtas St. corner Hebreo Alley, Brgy. 143, Bagong Barrio.

Tinutugis naman ng mga pulis ang suspek na residente ng Gen. Mascardo St., Brgy. 144, Bagong Barrio.

Ayon sa pulisya, alas-10:40 ng gabi habang nakatayo ang biktima sa labas ng kanyang bahay nang mula sa likuran ay dalawang beses na sinaksak ng supsek

Bukod dito, pinagsasapak pa umano ng suspek sa ulo ang biktima bago tumakas at iniwan ang ginamit na patalim.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa ospital para malapatan ng lunas. (ALAIN AJERO)

 

239

Related posts

Leave a Comment