NAKAPAGTALA na ng unang positibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Biñan City, Laguna.
Ayon sa Biñan City Public Information Office, kinumpirma ito mismo ni Mayor Arman Dimaguila nitong Lunes ng umaga.
Ang nagpositibo ay isang 58-anyos na Filipino na residente ng Barangay San Francisco.
Wala namang sinabi kung ito ay may travel history sa abroad o local transmission lamang.
Ito na ang ikatlong kaso ng COVID-19 sa Laguna kung saan ang dalawang nauna ay mula sa lungsod ng Sta. Rosa
partikular sa mga barangay ng Macabiling at Tagapo. NILOU DEL CARMEN
