HINAHANAPAN na ng House committee on appropriations ng pondo para bigyan ng disenteng allowance ang mga doktor at nurse na magbo-volunteer sa paglaban kontra coronavirus disease 2019.
Ito ang nabatid kay ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap, chairman ng nasabing komite sa gitna ng mga panawagan na bigyan ng maayos na allowances ang mga volunteer na doctor at nurses.
“In my capacity as Chairman of the House Committee on Appropriations, I will push for this action. We will carefully look into this and see where we can get funds,” ani Yap.
Sa ngayon ay umaabot na umano sa 600 volunteer doctor, nurse at iba pang health workers ang tumugon sa panawagan ng gobyerno dahil marami na sa mga Healthcare worker ang naka-quarantine matapos ma-expose sa COVID-19 patients.
Gayunpaman, P500 lang umano ang ibibigay ng Department of Health (DOH) na allowance sa mga ito kada araw bagay na hindi matanggap ng mga netizen kaya binugbog ng mga ito ng batikos ang nasabing ahensya.
Isa mga ikinukonsiderang pagkukunan ng disenteng allowance ng mga volunteer ay ang P275 Billion pondo na maaaring
gamitin ng Pangulo sa giyera kontra COVID-19 na nasa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act. BERNARD TAGUINOD
225
