PINALAGAN ng Malakanyang ang ulat na ‘ineffective’ ang enhanced community quarantine o partial lockdown na ipinatutupad ngayon sa Luzon kaya’t lumobo ng mahigit 1,000 katao ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) case sa bansa.
“We beg to disagree,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.
Aniya, gaya ng palagi nilang sinasabi na ang dahilan ng ilang reported cases ng kumpirmadong kaso dalawang linggo na ang nakalilipas ay dahil sa kakulangan ng testing kits kumpara sa bilang ng nahawa sa nasabing sakit.
Hinggil naman sa manufacture at supply ng testing kits na naging available, idagdag pa ang paglalagay ng karagdagang COVID-19 testing centers, ay marami naman aniyang katao ang sumailalim sa covid test ngayon kumpara dati, kahit na aniya iyong may mga unknown cases ng COVID-19 ay lumutang dahilan para lumaki ang bilang nito.
Sinabi pa ni Sec. Panelo na noong hindi pa ipinatutupad ang enhanced community quarantine, ang bilang ng COVID-19 cases ay paiba-iba dahil sa simpleng dahilan na “unrestricted movement” ng populasyon, ang posibilidad na ang bawat isa ay maaaring carrier ng virus, ang coronavirus ay “untrammelled leap-frogging” mula sa isang tao tungo sa isa pa.
Kaya nga, tinitiyak ng Malakanyang sa mga mamamayan na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para mapigil kung hindi man permanenteng mawalis ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
“The once inadequate supply of Personal Protective Equipment (PPEs) that cost the lives of nine of our doctors and placed others in critical condition have been addressed at, as donations of PPEs (i.e., surgical masks, head gears, face shields, goggles, gloves, protective gowns and foot covers) coming from many sources have poured in even as their local production is in full swing from our garments manufacturers and local fashion designers. Medical supplies, alcohol, soap and other health items are coming in too from various donors, individuals and privates entities. The Bayanihan spirit has caught fire and everyone is chipping in a united front against this unseen deadly enemy,” litanya ni Sec. Panelo.
Ang paalala naman ng pamahalaan sa mamamayang Filipino ay manatili sa kanilang tahanan at ipagpatuloy lamang ang mahigpit na pagsunod sa protocols sa personal hygiene gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay at sanayin ang sarili sa social distancing, na ang inig sabihin ay “we should be not less than two meters away from any person we meet in any place we go to when we step out of our homes, and even when we are inside our houses”.
MABILIS NA PAGTAAS
Ngayong maghapon lang ay nakapagtala ng mahigit 300 na bagong kaso ng nagpositibo sa COVID-19 ang Department of Health (DOH).
As of Marso 29, 4 P.M., pumalo na sa kabuuang 1,418 ang tinamaan ng naturang sakit sa bansa.
Tatlo naman ang naitalang dumagdag sa mga namatay kaya 71 na ang bilang ng mga ito.
Samantala, 7 naman ang dumagdag sa bilang ng mga gumaling na ang total ngayon ay 42 na. CHRISTIAN DALE, DAHLIA ANIN
283
