Call center ipinatatatag ng solon KATIWALIAN SA RELIEF OPS ISUMBONG

kamara1

IPINANUKALA ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na magtatag ang gobyerno ng isang “central” call center kung saan magsusumbong ang mga tao sa katiwalian at kapalpakan sa relief operations.

Ayon kay ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran, sa ngayon ay maraming online sites at hotlines ang itinayo para sa mga impormasyon na kailangan ng tao tulad ng mga direktiba ng gobyerno at pagtulong sa mga apektadong mamamayan at maging ang mga kapalpakan at katiwalian sa relief operations.

“Marami ang nagrereklamo na hindi nila malaman kung saan kukuha ng impormasyon o saan magrereklamo, lalo na at iba’t iba ang online sites at mga numerong ibinibigay para tawagan. At kapag tinawagan naman, wala daw sumasagot,” ani Taduran.

Dahil dito, kailangan aniyang magkaroon ng central call center upang isang site lang ang magdodokumento sa mga reklamo ng mamamayan hinggil sa relief operations. BERNARD TAGUINOD

286

Related posts

Leave a Comment