NAVY NAG-DEPLOY NG 2 PATROL BOATS SA VISAYAS

SA gitna ng umiiral na giyera kontra coronavirus 2019 pandemics ay nag-deploy ang pamunuan ng Philippine Navy ng dalawang patrol boat sa Visayas para palakasin pa ang kanilang  maritime operations.

Ayon kay Navy Flag Officer in Command Vice Adm. Giovanni Carlo Bacordo, sa kabila ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa maraming siyudad at lalawigan ay hindi isasantabi ang kanilang mandato na pangalagaan at patatagin ang naval defense sa bansa.

Ito ang isa sa mga dahilan kaya nag-deploy ang Hukbong dagat ng dalawang patrol boats para palakasin pa ang maritime operations sa Visayas Region.

Pinasimulan ng Philippine Fleet, sa pamamagitan ng Littoral Combat Force, ang paglalayag ng  Patrol Boat (PB) 356 at PB358 ng 5th Patrol Boat Division sakay ng BRP Bacolod City (LS550) sa Captain Moya Boat Landing sa Sangley Point, Cavite City patungong Naval Forces Central Area of Operations.

Pinangunahan ni Littoral Combat Force Commander, Captain Alfonso F. Torres Jr., ang Send-off Ceremony at personal na pinangasiwaan ang matagumpay na lifting and loading operations ng mga patrol boats

Ito ay makaraang matanggap nila ang “completeness & readiness for deployment” ng PB356 at PB358.

Ang deployment ay mahalaga sa ginagampanang maritime patrol operations, internal security operations and logistics support missions ng Philippine Navy, ayon kay Capt. Torres, base sa kanilang mandato na “protecting our seas, securing our future.”JESSE KABEL

301

Related posts

Leave a Comment