COVID-19 POSITIVE SA PINAS, HIGIT 4K NA

NAITALA ng Department of Health (DOH) ang pinakamaraming bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19, araw ng Linggo.

50 ang naidagdag sa bilang ng mga namatay na ngayon ay pumalo na sa 297.

Umabot naman sa 220 ang naitalang bagong kaso nito kaya’t umakyat na sa 4,648 ang kabuuang bilang nito sa buong bansa.

Naitala rin ang pinakamaraming bilang ng gumaling ngayong Linggo na nadagdagan ng 40 kaya 197 na ang kabuuang bilang.

Sa kasalukuyan ay ang Pilipinas na ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong Timog Silangang Asia, ayon sa Center for Strategic and International Studies.

Nasa ikaapat na Linggo na ang umiital na enhanced Community Quarantine sa buong Luzon at na-extend pa ito hanggang sa katapusan ng Abril. D. ANIN

209

Related posts

Leave a Comment