DAPAT maging handa ang mga Filipino para sa dalawa pang ‘waves’ ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections.
Ang paliwanag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang lahat ng confirmed COVID-19 cases ay nabibilang sa first wave of infections.
Aniya, kalaunan ay masusundan ito ng second at third wave na kinabibilangan naman ng mga taong hindi pa nade-develop o ngayon pa lamang nade-develop ang sintomas.
“Ganoon ang epidemic. Habang namamatay ‘yung unang tinamaan, ‘yung iba nahawa lang, bago lang, sila ang second wave,” aniya pa rin.
Sinabi ng Pangulo na ang third wave na panghuli ay paliit o maliit na bilang na lamang. CHRISTIAN DALE
186 