INIULAT ni NEDA Acting Secretary Karl Chua na nagsasagawa na sila ng consumer at business survey upang mula dito ay madetermina nila kung gaano katindi ang naging epekto ng pagtama ng COVID lalong lalo sa maliliit na negosyante.
Sa katapusan ng buwan ayon kay Chua malalaman ang impact o ang kabuuang epekto na idinulot ng
virus na humagupit sa bansa na pati sa mga negosyante ay naramdaman ang hatid nitong salot.
Sa sandali namang matumbok na kung gaano kagrabe ang naging epekto ng coronavirus sa mga nagnenegosyo, dito na anila igigiya ang recovery plan.
Ang kailangan lang ayon sa NEDA chief ay malaman ang idinulot na hagupit ng COVID sa mga negosyante at mula dito ay makabalangkas na ng maganda at angkop na plano para sa pagbangon lalo na ng maliliit na negosyante. CRISTIAN DALE
531 