POGO SECURITY THREAT NA, COVID THREAT PA

HINDI lang banta sa seguridad ng bansa ang mga Philippine Offshore and Gaming Operation (POGO) kundi sa kalusugan ng mamamayan dahil sa coronavirus na dinadala dito ng mga POGO worker mula China.

Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya tinututulan sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pag-operate muli ng mga POGO sa bansa upang makalikom ng pondo na panlaban sa COVID-19.

“Fact is, the security concerns raised against POGOs are still very much valid because China has the means, capacity and motive to use these hubs for its own expansionist military and political purposes,” ani Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

Sinabi ng mambabatas na halos lahat ng mga POGO hub ay itinayo malapit sa military facilities bukod sa ang marami umano sa mga POGO worker ay mukhang militar.

“Another compelling reason for its continued closure and even total ban is that these POGOs may become potential centers for CoViD spread and transmission to others,” ayon pa sa mambabatas.

Magugunita na ipinasara ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang POGO operation sa bansa kasunod ng pagsasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso 12, sa buong Luzon.

Ikinatuwa aniya ito ng mga residente sa mga lugar ng POGO hubs dahil bukod sa COVID-19 ay lumala umano ang prostitution at iba pang krimen na kinasasangkutan ng mga POGO worker. BERNARD TAGUINOD

171

Related posts

Leave a Comment