TANGING ang University of the Philippines-Philippine General Hospital ang health institution sa bansa na pinapayagan na magsagawa ng convalescent plasma therapy para gamutin ang COVID-19 patient.
“Ito pong convalescent plasma therapy na sinasabi, ang UP-PGH lang po ang may approved protocol to do this,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public briefing.
Ayon sa UP-PGH, 19 na ang nag-donate ng dugo para sa koleksyon ng plasma matapos ang ilang linggo na panawagan at panghihikayat sa mga COVID-19 survivors na mag-donate ng kanilang dugo.
Kailangan lamang na ang donors ay may dalawang linggo nang asymptomatic at fully recovered.
Ang plasma mula sa dugo ng recovered COVID-19 patient ay nagtataglay ng antibodies, proteins na na-produced ng katawan para i-neutralize, wasakin o sirain ang toxins o disease-carrying organisms.
Kapag naibigay na ang plasma sa pasyente na patuloy na nakikipaglaban sa sakit ay kagyat na malalabanan nito ang virus.
“If you are a COVID-19 survivor who fits the criteria for donors, you may call 0917 805 3207 (Look for Dr. Sandy Maganto) or PGH Hotline, 155-200,” ani Usec. Vergeire. CHRISTIAN DALE
223 