LA UNION – Patay ang isang ginang makaraang pagtatagain ng kanyang anak habang pinagtatalunan ang natanggap na ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno, sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang si Pacita Casilla, 59, vegetable vendor, habang nadakip naman ang suspek at anak nitong si Omar Casilla, 34, construction worker at kapwa residente ng Barangay Amlang sa bayan ng Rosario.
Batay sa report ng Rosario Police Station, kinompronta ng suspek ang ina hinggil sa P5,500 na perang natanggap nito mula sa SAP.
Ngunit iginiit ng ginang na P4,500 lamang ang kanyang natanggap.
Ayaw maniwala ng suspek hanggang sa kumuha ito ng itak at pinagtataga ang ina na nagresulta sa pagkamatay ng ginang.
Matapos ang insidente, agad nadakip ng nagrespondeng mga pulis amg suspek na nahaharap sa kasong parricide. (ANNIE PINEDA)
203 