GUSALI SA UP LOS BANOS, NASUNOG

Nasunog ang Dairy Training and Research Institute na nasa loob ng University of the Philippines Los Baños, Laguna pasado alas-3:10  ng hapon ng Miyerkoles.
Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang nasabing gusali bukod sa may kalumaan na ito .

Kaagad naman itong naapula ng mga rumespondeng  bumbero  upang hindi na madamay pa ang katabing gusali.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Inaalam pa ng Los Baños Fire Station kung magkano ang kabuuang halaga ng pinsala sa gusali at ano ang pinagmulan ng sunog. CYRILL QUILO

257

Related posts

Leave a Comment