K-12 GRADUATES, GAWING CONTACT TRACERS

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na isalang sa training at i-hire bilang contact tracers ang mga K-12 graduates.

Naniniwala si Gatchalian na sa ganitong paraan ay mabibigyan ng trabaho ang mga K-12 graduates habang nakakatulong din sa pakikipaglaban sa COVID 19 pandemic.

Binigyang-diin ng senador na dahil sa krisis, lumiit ang tsansa ng mga bagong graduate na makakuha agad ng trabaho.

Una nang inanunsyo ng Department of Health (DOH) na nasa 94,000 contact tracers ang kanilang kailangan upang mapabilis ang pagtukoy sa mga nakasalamuha ng mga COVID 19 positive.

Hinimok din ni Gatchalian ang DOH na maging flexible sa kanilang requirements para sa contact tracers upang ma- accommodate ang mga K-12 graduates.

“Kung bibigyan natin ng trabaho bilang contact tracers ang ating mga kabataan, kabilang na ang ating mga K to 12 graduates, hindi lamang natin sila mabibigyan ng solusyon sa mga hamong kinakaharap nila. Magiging bahagi rin sila ng mga solusyon upang makabangon ang ating bansa mula sa pinsalang dulot ng COVID-19,” saad ni Gatchalian. (DANG SAMSON-GARCIA)

138

Related posts

Leave a Comment