Kahit hindi na ipakukulong ni Duterte AYALA, MVP MAGBABAYAD PA RIN NG ATRASO

HINDI pa rin off-the-hook ang Ayala at Pangilinan sa ipinupursige ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na baguhin ang water concession agreement.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi naman ibig sabihin na dahil sa malaking tulong ng dalawa sa pamahalaan ngayong panahon ng pandemya ay abswelto na at hindi na ibabalik ng mga ito ang dapat ibalik sa taumbayan.

Aniya, ang nawala lang ay ang determinasyon ng Chief Executive na sila’y maipakulong dahil na rin sa naging tulong nila sa pamahalaan ngayong panahon ng health crisis.

Aniya pa, kumpleto na ang lahat ng dokumento at draft ng isasampang kaso laban kina Pangilinan at Ayala ngunit hindi na ito nangyari dahil na rin sa konsiderasyon ng Pangulong Duterte sa naging inisyatibo ng dalawang negosyante.

Sinasabing nasa 6.5 bilyong piso na umano ang naitulong ni Manny Pangilinan sa pamahalaan habang siyam na bilyong piso naman ang naiambag ng Ayala group para magamit sa gastusin ng gobyerno para sa COVID-19.

Noong 2012 ay umaabot na umano sa P6 bilyon ang nakolektang sewage fees ng Manila Water at Maynilad  at inaasahan na lumaki pa ang halagang ito dahil tuloy-tuloy ang paniningil nila ng nasabing bayarin mula 2013 hanggang sa kasalukuyan habang pinagbabayad din ng SC ang dalawang kumpanya ng P2 bilyon dahil sa paglabag ng mga ito sa Clean Water Act. (CHRISTIAN DALE)

133

Related posts

Leave a Comment