2 WALK-IN COVID TESTING BINUKSAN SA MAYNILA

MULING nagbukas ng panibagong COVID-19 walk-in testing center si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo, Manila nitong Huwebes ng umaga.

Ito ang ika-limang COVID-19 testing center na binuksan ng alkalde bukod pa sa itinayo sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JASGEN), Ospital ng Sampaloc, at drive -thru sa Quirino Grandstand at sa Andres Bonifacio Shrine sa tabi ng Manila City Hall.

Nabatid na maaga pa lamang ay mahaba na ang pila ng mga taong gustong magpa-test para malaman kung mayroon silang COVID-19.

Ayon sa alkalde, nangangahulugan ito na doble na ang testing capacity dahil sa mga bagong machine gaya ng  Architect i2000 SR na mas mataas na version ng  Architect i1000 SR machines, na gawa ng Abbot Laboratories.

Bukas aniya ang nabanggit na testing centers mula alas-8 :00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng  hapon.

Una nang nanawagan ng donasyon si Moreno para sa patuloy na operasyon ng COVID-19 testing centers. (RENE CRISOSTOMO)

203

Related posts

Leave a Comment