MISMONG mga consumer at mga residente ng Iloilo City ang umaapela sa Korte Suprema bilang final arbiter sa legal issue sa pagitan ng dalawang distribution utility na More Electric and Power
Corp. at Panay Electric Company (PECO) na magdesisyon sa kaso na may pagsaalang-alang sa kapakanan ng may 65,000 power consumers ng lalawigan.
Ang pahayag ay ginawa ng pinakamalaking transport cooperative sa lalawigan kasunod na rin ng hindi pa nareresolba na legal issue sa pagitan ng dalawang power firm.
Ang More Power ang siya nang bagong nangangasiwa sa pagsu-supply ng kuryente sa Iloilo City na nabigyan ng legislative franchise mula sa Kongreso, business permit mula sa Iloilo City Government at Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) mula sa Energy Regulatory Commission (ERC) subalit kinuwestiyon ng PECO ang pag-takeover sa kanilang negosyo bilang unconstitutional na nakabinbin pa rin sa SC.
Ayon kay Halley Alcarde, General Manager ng Western Visayas Transport Cooperative (WVTC) na bagamat may 6 buwan pa lamang ang More Power bilang power supplier ng lalawigan ay malaking kaibahan at kaginhawahan na ang kanilang nararanasan kumpara sa ilang dekadang pahirap na
dinanas nito sa serbisyo ng PECO.
“Alam namin na legal issues ito, mga batas ang siyang pagbabatayan ng ating mga mahistrado pero sana ang aming apela lamang bilang mga consumer ay iprayoridad at tignan din ang kalagayan
noon at ang malaking kaibahan ngayon sa power supply sa Iloilo. Sa totoo lang kami ay parang nabunutan ng tinik, na-solve ang aming reklamo sa problema sa kuryente at ito sana ang siya ring
makita ng SC,” paliwanag ni Alcarde.
Bilang patunay umano na ikinatutuwa ng mga residente ang pagpapalit ng power supplier at pag- takeover ng More Power ay maaaring tingnan ang mga social media account ng power firm dahil
makikita rito ang mga mensahe ng papuri at hindi reklamo.
“May mga brownouts pang nararanasan sa Iloilo pero scheduled power interruption na ang mga ito at may abiso kung hanggang anong oras, malayo noon na nawalan ng kuryente, hindi mo alam
kung bakit at inaabot ng ilang araw. Nakikita namin na natutugunan na ang problema hindi yung sa PECO na walang pag-aksyon,” dagdag pa ni Alcarde kung saan siya mismo ay saksi sa mabilis na pagtugon ng kumpanya sa reklamo.
Samantala sinabi ni Francis Gentoral, Executive Director, Iloilo Economic Development Foundation, Inc. na bagamat nasa transition phase pa ang pamamahala ng More Power ay makikita na na may accountability at transparency sa ginagawa nito at mahalaga na nakukuha na ng mga consumer ang tamang serbisyo sa binabayaran nito.
Bilang isang grupo na nanghihikayat ng mga investor sa lalawigan, sinabi ni Gentoral na kapansin- pansin ang mga pagbabago sa power system sa Iloilo City sa ilalim ng More Power at kung dati ay may mga investor na umaatras kapag nakikita ang estado ng supply ng kuryente, sa ngayon ay positibo ang reaksyon ng mga investor sa ginagawang pagsasaayos ng bagong power firm.
Una nang sinabi ni More Power President Roel Castro na aabutin ng 3 taon bago tuluyang mamodernisa ang kabuuan ng power system sa Iloilo City sa tulong na rin ng kanilang inilatag na
P1.8B modernization program, gayunpaman, ang mga pangunahing problema gaya ng mga pagpapalit ng mga sira-sira at lumang pasilidad ay kanila nang nasimulang ayusin.
Bagamat nasa ilalim ng COVID pandemic ang bansa ay hindi ito naging hadlang para umusad ang mga pagawain sa power system sa Iloilo City, mula nang mag-takeover ang More Power noong
Pebrero 2020 ay na-upgrade na nito ang 100 distribution transformers, napalitan ang mahigit 100 electric poles at isinaayos ang 97 hotspot connectors, napalitan ang lahat ng switchboards at
transformers sa lahat ng 5 substations, at pagpapalit ng depektibong electric meters sa may 15,000 residente.
Sa technical study na ginawa ng Miescor Enginering Services Corp ay una na nitong sinabi na manually operated ang mga pasilidad na ginagamit ng PECO na karamihan ay ginawa pa noong
1960s, dahil hindi na ito akma sa panahon ay maaaring pagmulan ng sunog lalo at nakitang umaandar sa 90% capacity ang load ng mga power substations na dapat ay 70% lamang.
Maliban sa mga consumer group, ilang multi sectoral groups din ang nauna nang nagpahayag ng suporta sa More Power kabilang na ang simbahan, teacher groups at transport sector.
“From visibility, transparency, rapid response, courteous personnel, to leading a transformational impact in the campaign to rid Iloilo City of power thefts, the new utility distributor is creating change,” pahayag ni Pastor Nestor Gonzales.
122
