NAGBABALA si Senador Sherwin “Win” Gatchalian na palalalain ng academic freeze ang maraming problema sa sektor ng edukasyon dahil lolobo ang bilang ng out-of-school youth kapag itinigil ang pag-aaral.
Sa pahayag, ibinabala ni Gatchalian na magpapatuloy ang edukasyon ng mga well-prepared schools at advantaged learners na mayroon pamamaraan na ipagpatuloy ang pagtuturo, ngunit maiiwan naman ang disadvantage counterparts nila.
Iginiit pa ng senador na kailangan bigyan ng oportunidad ang lahat ng mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa gitna ng pandemya upang magkaroon sila ng pagkakataong lumaban sa edukasyon at magkaroon ng magandang kinabukasan.
Sinabi ni Gatchalian na naging karanasan ng ibang bansa na kapag nagkaroon ng pagtigil sa pagtuturo, mas dumami ang bilang ng hindi nag-aaral na nagpapatuloy lumobo kahit nagbukas na
ang klase.
“A working paper from Georgetown University showed that four years after a 2005 earthquake in Pakistan that closed schools for three months, learners who lived closest to the fault line lost an
equivalent of 1.5 to two years’ worth of learning,” ayon sa senador.
“A World Bank memo also projects that in Brazil, the number of 10-year-old children in learning poverty, or those who are unable to read and understand, is projected to increase by 84,000
because of school closures,” giit pa ng mambabatas.
Bukod sa marami ang hindi nakapag-aaral, tinaya ng World Bank na kapag nagsara ang mga paaralan sa loob ng limang buwan, aabot sa $10 trilyon ang malulugi sa mga apektadong mag-
aaral sa buong mundo, paliwanag ni Gatchalian.
Hiniling ni Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na tiyakin na nakahanda ang lahat ng learning material sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5. Kailangan din aniya na mabigyan ng sapat na proteksiyon ang mga guro at non-teaching personnel laban sa sakit at kaligtasan dahil mahalaga ang kanilang gagampanang papel sa paglalatag ng Basic Education-Learning Continuity Plan (BE- LCP). (ESTONG REYES)
173
