LGU campaign sa Maynila BUY LOCAL, EAT LOCAL AT MANALO NG IPAD

MAAARING manalo ng 7th Generation Ipad kung kakain, mamimili o mag-take-out ng pagkain at anomang produkto sa lungsod ng Maynila.

Ito ang imbitasyon ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lahat ng magsa-shopping, kakain o mamimili ng kahit na anong produkto sa lungsod upang buhayin ang kalakalan at mapalakas ang ekonomiya sa gitna ng pandemya. Ito ay bukas para sa lahat.

Inanunsyo ng alkalde, sa loob ng apat na linggo at tuwing Biyernes ay mamimigay ang pamahalaang lungsod ng Ipad bilang bahagi ng kampanya sa publiko na “Bumili ng lokal, kumain ng lokal.”

Kailangan lang na mag-download ng ‘Challenge Accepted’ poster, mag-selfie habang kumakain o namimili sa kahit na anong  establishment sa Maynila o may hawak na produktong binili at i-post sa social media na may hashtag na “#Challenge AcceptedBuyLocalEatLocalManila” kahit anong araw mula Lunes hanggang Miyerkoles.

Mamimili ang pamahalaang lungsod ng 20 entries at ipo-post sa Facebook.  Sinumang makakuha ng pinakamaraming reactions ang siyang mananalo.

“Karinderya, tindahan, restaurant, clothing, palengke, lahat ng negosyo sa Maynila. Mag-download ka ng selfie sa karinderya ng kapitbahay mong tsismosa o kaya sa tambayan ng tatay mong umiinom.  It doesn’t matter where as long as it’s in Manila. Pwedeng habang kumakain or nagta-takeout o bumibili ka ng tumbong, kamto, pares o halo-halo sa palengke,” dugtong pa ni Moreno.

Ang naturang contest ay naglalayon din na hikayatin ang publiko, lalo na ang mga taga-Maynila na tangkilikin ang mga negosyo sa lungsod kung saan sila naninirahan.

Ito ay bahagi ng ‘Support Local Program’ na inilunsad ni Business Permit and Licensing Office chief Levi Facundo na layuning suportahan ang negosyo na nakabase sa lungsod.

Ipinaliwanag ni Facundo na ang #Manila Support Local Challenge ay inilundsad “to create an activity that will drive spending to local businesses be it face to face or on-line transaction, whether goods or service for as long as the spending is made here in the City Of Manila.”

Samantala, pinangunahan nina Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna- Pangan ang ceremonial turnover ng mga libreng laptops, tablets at pocket WiFis sa public school students at mga guro upang magamit nila sa kanilang distant, blended learning.

Ang lungsod ay maglaan ng pondong P1 billion para sa nasabing programa. (RENE CRISOSTOMO)

195

Related posts

Leave a Comment

ADVERTISE WITH US!

Email: advertise@saksingayon.com

Phone: 7757-2769

Address: #85 Unit F, Scout Rallos St., Brgy. Sacred Heart, Diliman, Quezon City