HITMAN NG KAPA GROUP NABITAG NG PNP-AKG

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti kidnapping Group ang isang miyembro ng Kapa Ministry Community International na sangkot sa investment scam, dahil sa kasong murder noong Miyerkoles ng hapon sa Polomok, South Cotabato

Iniulat ito kahapon ni P/Major Ronaldo Lumactod, PNP-AKG spokesman.

Ayon sa ulat na natanggap ni PNP-AKG Director P/BGen. Jonnel Estomo, nadakip ng kanyang mga tauhan ang suspek na si Crispin Berja Pariolan na may kasong murder sa sala ni Hon. Jose T. Tabosares, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 16 ng Kabacan, Cotabato Judicial Region, under Criminal Case nr. 19-237 at walang piyansang inirekomenda.

Ang suspek ay sinasabing hitman ng KAPA scam group at kabilang sa prime suspects sa pagdukot kay Rogelio Casida noong nakaraang taon.

Siya rin ang tinutukkoy na dumukot sa isang Remily Iral sa General Santos City noong Enero at hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang biktima.

Si Pariolan ay nadakip ng mga tauhan ng PNP-AKG Mindanao Field Office sa Purok Pag-asa, Brgy. Cannery, Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay P/Col. Alex C. Fulgar, sa tulong ng AKG-MFU Cotabato Satellite Office, nagsagawa muna sila ng surveillance police operations bago inilunsad ang law enforcement operation sa Purok Pag-Asa, Brgy. Cannery, Polomolok na nagresulta sa pagkakadakip sa nasabing suspek. (JESSE KABEL)

332

Related posts

Leave a Comment