HIGIT 7K KASO NG COVID-19 NAITALA SA TAGUIG

PUMALO na sa 7,151 ang kabuuan bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig, bunsod ng 76 na bagong kaso sa nakalipas na 24-oras.

Sa tala ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Units (CEDSU), ang mga karagdagang kumpirmadong kaso ng nakahahawang sakit ay mula sa Barangay Bagumbayan Bambang, Calzada, Hagonoy, Ibayo, Lower Bicutan, New Lower Bicutan, Napindan, San Miguel, Sta Ana, Tuktukan, Ususan, Wawa at Central Bicutan.

Kasama rin sa may mga bagong kaso ng COVID-19 ang Central Signal, Fort Bonifacio, North Signal, Pinagsama, South Daang Hari, South Signal, Tanyag, Upper Bicutan at Western Bicutan.

Gayunpaman, mas mataas naman ang naitalang bilang ng mga gumaling sa loob ng din ng 24-oras. Sa tala ng lokal na pamahalaan, 98 katao ang gumaling.

Nananatili naman sa 56 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod dahil sa virus habang ang bilang ng active cases ay umabot na sa 393. (FERNAN ANGELES)

192

Related posts

Leave a Comment