MALABON COVID DEATH TOLL: 206

UMAKYAT na sa 206 ang COVID-19 casualties ng Malabon City matapos na isa na namang pasyente ang binawian ng buhay noong Oktubre 22.

Ayon sa City Health Department, ang pinakabagong fatality ay buhat sa Barangay Potrero.

Pito naman ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 5,406 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, 190 dito ang active cases.

Ang mga bagong nagkasakit ay mula sa Barangay Dampalit (1), Longos (2), Potrero (2) at Tonsuya (2).

Sa kabilang banda, anim naman ang mga pasyenteng gumaling mula sa Barangay Bayan-bayanan (1), Catmon (1), Muzon (1), Santulan (1), at Tonsuya (2).

Umabot na sa 5,010 ang recovered COVID patients ng lungsod. (ALAIN AJERO)

164

Related posts

Leave a Comment