Babala ng solon kung hindi itutuloy ang free dialysis PHILHEALTH MULING IIMBESTIGAHAN

NAGBANTA ang isang mambabatas sa Kamara na isasalang muli sa imbestigasyon ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kapag hindi itinuloy ang libreng dialysis sa mga miyembro nito.

Ginawa ni House deputy minority leader Carlos Zarate ang nasabing babala matapos itigil ng Philhealth ang nasabing programa sa mga miyembro.

“The extension of dialysis treatment for patients is imperative and we are challenging PhilHealth and the Department of Health to get their act together as soon as possible because lives are at stake, if not then we have to investigate them in Congress,” ani Zarate.

Ayon sa mambabatas, inilalagay ng PhilHealth sa panganib ang buhay ng mga pasyente na may problema sa kidney na hindi umano katanggap-tanggap lalo na’t walang income ngayon ang mga kaanak ng mga ito dahil sa pandemya sa COVID-19.

Ang bawat session sa dialysis ng pasyente ay hindi bababa sa P3,000 kaya malaking ginhawa sana aniya na gawing 90 session ang dating 45 session subalit itinigil ito ng nasabing ahensya.

“We in Bayan Muna along with Coalition for People’s Right to Health condemn this development as an affront to and a reneging on the people’s right to health. It seems health is, once again, held hostage by bureaucracy and politics,” ayon pa kay Zarate.

 

Baon sa utang

Bukod dito, baon din umano ngayon ang PhilHealth sa utang sa mga COVID-19 testing center subalit hindi makapaningil dahil wala silang “senador” na magtatanggol sa kanila.

Ayon kay Zarate, kung nakapaningil ang Philippine Red Cros (PRC) dahil sa kanilang chairman na si Sen. Richard Gordon, ang iba pang testing centers ay hirap na hirap umanong maningil.

“In fact, despite PhilHealth’s payment of half of its outstanding dues to the Philippine Red Cross, it has racked up millions in debt since testing resumed,” ani Zarate. (BERNARD TAGUINOD)

201

Related posts

Leave a Comment