1ST NATIONAL COCONUT PLANTING DAY INILUNSAD NG PCA

TULUYAN nang lumahok si Senador Cynthia Villar sa paglulunsad ng kauna-unahang National Coconut Planting Day upang pasiglahin ang industriya ng pagniniyog at mapalitan ang matatanda at nawasak na puno.

Sa pahayag, sinabi ni Villar na inilunsad ang naturang programa ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa pakikipatulungan ng Senate committee on agriculture and food at pakikipag-partner sa DOST PCAARRD.

Aniya, Modern Technologies: Key to Coconut Productivity (Makabagong Teknolohiya Tungo sa Masaganang Niyugan) ang paksa ng programa sa taong ito.

“Ipinakita sa aktibidad ang DOST-PCAARRD at PCA technologies para sa produksyon ng dekalidad na planting materials, kabilang ang coconut hybridization program, macapuno embryo culture technology at ang coconut somatic embryogenesis technology (CSET),” ani Villar. (ESTONG REYES)

217

Related posts

Leave a Comment