Kadiwa rolling stores pagulungin sa mga pobre GUTOM MAS RAMDAM KAYSA COVID-SOLON (BERNARD TAGUINOD)

MAS nanganganib na magkasakit ang mahihirap na mamamayan dahil sa gutom kasunod ng pagtaas ng presyo ng mga gulay at karne kesa sa coronavirus 2019 o COVID-19 na nagpapahirap sa kanila.

Ito ang babala ni Quezon City Rep. Alfred Vargas matapos sumargo ang presyo ng mga gulay at karne na ayon sa Department of Agriculture (DA) ay epekto umano ng mga nagdaang bagyo at posibleng tumagal pa hanggang Marso.

Dahil dito, iminungkahi ng mambabatas na tulungan ng DA at maging ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga tao para maiwasan ang tuluyang pagkagutom ng mga ito.

“This is an urgent issue that we need to address. Hindi pa tapos ang pandemya. Mas madaling magkasakit ang taong gutom,” ani Vargas kaya iminungkahi nito sa dalawang nabanggit na ahensya na sila na lang ang bumili at magbenta ng gulay at karne sa mga tao.

Kailangang palawigin aniya ng DA ang kanilang Kadiwa rolling stores upang mabawasan ang presyo ng mga gulay at karne na tumataas lalo dahil sa middlemen.

Base sa mga report, tumaas ng halos 10% ang presyo ng mga gulay mula noong Enero 1, 2021 habang umaabot naman umano sa halos 20% ang itinaas sa halaga ng karne ng baboy at manok.
Isa sa mga sinisisi rito ang mga middleman na nagpataas ng presyo mula sa farm-gate-price at lalong sumargo dahil sa sobra-sobrang patong ng retailers.

172

Related posts

Leave a Comment