RESIGNATION NI MAGALONG IBINASURA

NAGBITIW na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang tracing czar kaugnay sa COVID-19.

Iyon nga lamang ay hindi tinanggap ng National Task Force against COVID-19 ang pagbibitiw ni Magalong.

Patuloy kasi, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na nagtitiwala at kumpiyansa ang liderato ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa kanya.

“We confirm that Baguio City Mayor Benjamin Magalong tendered his resignation as the government’s Tracing Czar. Mayor Magalong’s resignation, however, has not been accepted. He continues to
enjoy the trust and confidence of the leadership of the National Task Force Against COVID-19,” pahayag ni Sec. Roque.

Nabatikos si Magalong matapos dumalo sa birthday party ng social media personality na si Tim Yap sa The Manor sa Camp John Hay, Baguio City noong Enero 17.

Napansin ng netizens na hindi sumunod sa itinakdang health protocols si Magalong pati na ang iba pang mga bisita sa birthday party kabilang ang misis ng alkalde.

Ayon kay Yap, inorganisa niya ang “dinner” para i-promote ang local tourism ng Baguio City.

“Pagdating sa pagpapatupad ng protocols, wala po tayong kinikilala—mayaman, mahirap, lalaki, babae, kung anomang kasarinlan (sic),” ayon kay Sec. Roque.

“Hayaan na po natin na umusad ang proseso. Buo po ang tiwala ni presidente kay Mayor Magalong, buo po ang kaniyang respeto kay Mayor Magalong. The personal liability depends kung mayroon
siyang personal na ginawa. Mere attendance is not actionable. Siya ba’y nag-observe ng social distancing, siya ba ay naka-mask? So kung ganoon naman, wala siyang liability,” aniya pa rin.

Kasabay nito, iginiit ng Malakanyang na wala kahit na anoman o kahit sinoman ang pinapaboran ng pamahalaan sa pagpapatupad nito ng protocols para mapigil ang pagkalat ng COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

45

Related posts

Leave a Comment