HAYAGANG tumanggi ang Department of Health (DoH) na isapubliko ang impormasyon ukol sa mga pekeng laboratoryo na nagsasagawa ng COVID-19 test dahil on-going pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeirre na mayroon na silang inimbestigahan na mga laboratoryo na ilegal na nagsasagawa ng mga pekeng COVID-19 test.
Sa katunayan, kamakailan lamang aniya ay nagpalabas na sila ng advisory upang ipaalam sa mamamayang Pilipino kung paano maiiwasan ang non-licensed laboratories na nagbibigay ng mga pekeng test result.
Nakasaad din aniya sa kanilang inilabas na advisory ang mga legal na laboratoryo at kung sinu-sino ang mga dapat nilang puntahan. (CHRISTIAN DALE)
