ONLINE STORE DELIVERY PARTNER, NALUNOD SA OUTING

NASAWI ang isang online store delivery partner nang ito ay malunod sa kanilang outing sa isang beach sa Real, Quezon nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Rodrigo Del Rosario Larroco, 29-anyos, residente ng Marikina City at courier ng Shopee online store.

Batay sa report ng Real police, nangyari ang insidente sa isang resort sa Barangay Capalong, Real kung saan nag-outing ang grupo ng biktima.

Naliligo na ang biktima at ilang kaibigan dakong tanghali nang tangayin ito ng malalaking alon patungo sa malalim na bahagi ng dagat.

Agad nagsagawa ng rescue operation ang lifeguard ng resort at isinugod ang biktima sa ospital subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor. (NILOU DEL CARMEN)

149

Related posts

Leave a Comment