Paalala ng Palasyo sa motor vehicle registration MVIS KAILANGAN PA RIN

KAILANGAN pa ring magsumite ng mga private vehicle ng certificate mula sa emission centers o private motor vehicle inspection para irehistro ang kanilang sasakyan.

Ang paglilinaw ay inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na huwag gawing mandatory ang MVIS na ang ibig sabihin aniya ay kinakailangan na walang bagong singil o karagdagang singil para sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.

“Ito po ang naging desisyon ng presidente kung saan ay binalanse ng pangulo ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan sa gitna ng krisis na nakakaranas ng hirap.. hindi lamang po dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo dahil nga po sa COVID-19 at African Swine Flu (ASF),” ani Presidential spokesperson Harry Roque.

Ang mabuting balita aniya ngayon, alinsunod sa naging kautusan ng Chief Executive ay ang operators ng private motor vehicle inspection centers ay nagsabi na ang singil nila ay kapareho lamang ng emission test na P600.00.

“For 600 pesos, habang panahon ng pandemya, ang inyong sasakyan po will be subject to 73 road worthy inspection check,” ani Sec. Roque.

“Alinsunod sa panawagan ng ating presidente, ang mga may-ari ng private motor vehcile inspection centers na nagsabi na kapareho lamang ang sisingilin nila na 600 pesos kapareho po ‘yan ng mga emission test center bagamat ang serbisyo na ibibigay nila ay 73 roadworthy inspection checkpoints. Ganito po ngayon yan. Dalawa po yang pupuwede ninyong isumite, ‘yung emission na dati na po yan or MVIS. Hindi pupuwede na wala ang pareho. Pero dahil sa panawagan ng presidente, hindi po magtataas ng presyo ang MVIS, kapareho lang po ng sinisingil ng mga emission center na 600 pesos. kaya nga nagpasalamat tayo dahil habang may pandemiya eh nagkaisa naman po yung mga may-ari ng private motor vehicle inspection centers at hindi sila magsisingil ng karagdagan kung ikukumpira doon sa emission testing centers,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

202

Related posts

Leave a Comment