China vaccine gawing exclusive sa law enforcement agencies- solon SINOVAC ITUROK SA SUNDALO, PULIS

PABOR ang isang lider ng Kamara na gawing exclusive sa mga sundalo, pulis at iba pang armadong sangay ng gobyerno at sa kanilang pamilya ang bakunang Sinovac sa mga ito.

Ginawa ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang pahayag matapos hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng sapat na bakunang Sinovac para sa mga sundalo at pulis.

Subalit ayon kay Herrera, dapat isama sa mga exclusive na tutukuran ng Sinovac ang iba pang kawani ng gobyerno tulad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Corrections (BuCor) Philippine Coast Guard (PCG) at Office of Transportation Security.

Bukod sa mga aktibong miyembro ng mga nabanggit na ahensya ay ipinasasama ng mambabatas ang pamilya ng mga ito at maging ang mga retiradong miyembro ng mga nasabing ahensya.

Aabot sa 2.25 milyon hanggang 2.67 milyong katao ang kasali sa Sinovac allocation na nais ni Herrera dahil kabilang ang 155,000 military at civilian personnel sa Department of National Defense at 290,000 sa pinagsamang bilang ng mga armado at sibilyang kawani ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Transportation (DOTr).

Paliwanag ni Herrera, ang eksklusibong allocation ng Sinovac para sa military and uniformed personnel sector ay magreresulta sa herd immunity para sa buong sektor na 2.7 milyong katao.

Mas madali pa aniya ang pagsasagawa ng pagbabakuna sa kanila at pati na rin ang monitoring sa bisa ng bakuna at anomang adverse reaction. (BERNARD TAGUINOD)

185

Related posts

Leave a Comment