LUCENA City – Patay ang isang trolley operator makaraang barilin ng hindi kilalang suspek na nagpanggap na pasahero sa lungsod na ito, noong Linggo ng umaga.
Kinilala ng Lucena City Police ang biktimang si Ambrocio Abril Tibayan, Jr., 42, isang PWD, at residente sa Barangay Ibabang Iyam.
Batay sa report ng Lucena City Police, itinutulak ng biktima sa riles ang kanyang trolley nang bigla na lamang itong barilin sa ulo ng nakasakay na suspek.
Agad namatay ang biktima habang mabilis namang tumakas ang suspek.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa pamamaril at kung sino ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)
345 