KUMBINSIDO si Vaccine czar at Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na may kinalaman ang pagdating ng COVID vaccines sa bansa sa pagtaas ng kaso ng corona virus.
Naging masyado aniyang kampante ang marami nang dumating ang bakuna at sinimulan na itong iturok sa mga unang dapat maturukan.
Marami aniyang mga Pilipino ang nag-relax bunsod ng pag-asang naririto na ang bakuna na aniya’y kapansin-pansin sa kanilang naging obserbasyon.
Dahil dito, nagpaalala si Galvez na additional protection lamang ang bakuna at kailangan pa ring i-obserba ang minimum health standard.
“Nakita natin na noong malaman nila na padating na po iyong vaccine, parang nakita natin parang nag-relax na iyong mga tao. Iyon din ang isang napansin namin kaya nga po ang sinasabi namin iyong vaccine ay additional protection ito pero dapat iyong minimum health standard, ito po ay lagi nating panatilihin na gawin po natin na talagang obligation po natin,” ayon kay Galvez. (CHRISTIAN DALE)
166
