NAKIKIRAMAY ang Malakanyang sa pamilya ng healthcare worker na namatay matapos mabakunahan laban sa COVID-19.
“Lumabas kahapon sa balita na may isang healthcare worker ang namatay matapos na mabakunahan..pero namatay po ang ating health care worker dahil sa COVID-19,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Paliwanag naman ni Dr. Rommel Lobo ng Philippine Society of Allergist and Clinical Immunologist at National Adverse Events Following Immunization Committee, ang dahilan ng pagkasawi ng healthcare worker ay dahil sa impeksyon ng coronavirus.
Ang nasabing healthcare worker aniya ay nagkaroon ng impeksyon at naging full blown ito dahilan para maapektuhan ang baga at nagkaron siya ng pneumonia na nagtuloy-tuloy hanggang sa mag-deteriorate o lumala ang kondisyon nito.
Hindi naman masabi ni Dr. Lobo kung “late” na ang ginawang pagbakuna sa healthcare worker dahil bago pa nabakunahan ay mayroon na itong COVID-19. (CHRISTIAN DALE)
