1 PATAY, 3 SUGATAN SA BUNDOL NG MOTOR

LAGUNA – Nahaharap sa kasong homicide and multiple physical injuries ang isang motorcycle rider makaraang mabundol ang apat na babae habang naglalakad sa Brgy. Canlalay, Biñan City sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa ulat kay Bi؜ñan City Police chief, Lt. Col. Giovanni Martinez, natukoy ang suspek na si Armindo Gamboa y Evarola, 36.

Kinilala naman ang namatay sa insidente na si Jessica Rodriguez y Tarosa, 25-anyos, habang sugatan sina Rubegem Engco, 24; Angela Remoquillo y Belen, 19, at Roselyn Yuzon y Guico, 24, pawang mga residente sa Brgy. Canlalay, Biñan City.

Ayon sa ulat, alas-8:10 ng umaga nang magkayayaang maglakad ang mga biktima sa nabanggit na lugar.

Ngunit biglang dumating ang motorsiklo ng suspek na mabilis na binundol ang mga biktima.

Agad dinala ng Biñan Emergency Response Unit (BERU) ang mga biktima sa Ospital ng Biñan City ngunit idineklarang dead on arrival si Rodriguez. (CYRILL QUILO)

159

Related posts

Leave a Comment