SPUTNIK V, PWEDE SA SENIORS

MAAARI sa mga nakatatanda o senior citizens na edad 61 pataas ang bakunang Sputnik V laban sa COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni FDA director general Usec. Eric Domingo na base na rin ito sa mga clinical trial data na ipinakita ng Gamaleya na isinumite sa kanila.

Aniya, kapag dumating sa bansa ang suplay ng Sputnik V, inaasahan nilang maibibigay ito sa mga senior citizen.

Bukod dito, maaari ring ibigay ang Sputnik V sa mga may comorbidities tulad ng diabetes at hypertension.

Sa kanya umanong naririnig mula kay vaccine czar Secretay Carlito Galvez Jr., tatapusin ang pagbabakuna sa mga medical healthworker ngayong Marso, para pagsapit ng Abril ay masimulan naman ang pagbabakuna sa kasunod sa priority list o ang senior citizens.

Aniya, 91% ang efficacy rate o bisa ng Sputnik V mula 18 years old pataas.

Ang karaniwang side effects o adverse events na nararanasan sa Sputnik V ay katulad din aniya sa naturukan ng ibang bakuna gaya ng flu vaccine, na pananakit ng brasong naturukan, konting sinat, bigat ng katawan, at mild sore throat.

Ang kailangan din aniyang bantayan dito ay ang mga may allergies.

Hinggil naman sa kung mabisa ang Sputnik V sa mga bagong variant, ipinaliwanag ni Domingo na “on going” pa ang mga pag-aaral sa mga bagong variant para sa lahat ng bakuna ngayon kontra COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

132

Related posts

Leave a Comment